7 – 8 March 2015

1. Sa darating na March 19, Huwebes, ay Solemnity of St. Joseph, Spouse of the Blessed Virgin Mary. Bilang pagtugon sa paanyaya ni Pope Francis na manalangin kay St. Joseph para sa mga intensyon ng buong Simbahan at ng ating bansa, maaari ninyong isulat ang inyong mga prayer intentions at ilagay ang mga ito sa basket na katabi ng imahen ng “sleeping St. Joseph” mula ngayon, March 8 hanggang sa araw ng kapistahan sa March 19, Huwebes.
Ang schedule ng mga misa sa araw ng Kapistahan ni St. Joseph ay 6:00 AM at 7:00 PM.

2. Sa pagpapatuloy ng ating Lenten Recollection, ang second part ng pagbabahagi ay gaganapin sa March 28, Sabado pagkatapos ng 6:00 PM Anticipated Mass na pangungunahan naman ni Fr. Dave Concepcion.

3. Sa March 29, ay Palm Sunday of the Lord’s Passion,
ang unang pagbabasbas ng palaspas ay gaganapin sa Parañaque City Hall sa ganap ng 5:30AM.
Wala pong misa sa lahat ng kapilya.
Ang pagbabasbas ng palaspas ay gaganapin LAMANG bago magsimula ang misa.

4. Ang CARITAS – Paranaque ng San Antonio de Padua Parish ay inaanyayahan ang lahat ng mga nais mag-volunteer sa mga gawain ng ating parokya para sa Year of the Poor.
Makiisa sa ating “Community-Based Profiling” sa Silverio Compound at Matatdo Homes. Maaari pong sumama sa profiling ang lahat, kabilang na ang mga kabataang nais mag-parish involvement at ang mga gustong mag-immersion sa developing communities sa ating area.
Ang orientation para sa mga volunteers ay sa March 21, Sabado, 1:00 – 6:00 PM. Ang actual na profiling at immersion ay magsisimula sa March 28, Sabado, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.

MARAMING SALAMAT PO.