Bingo-han para sa libreng gamutan

BINGO PARA SA LIBRENG GAMUTAN

Sa pagpapatuloy ng ating Parokya na makabagbigay ng libreng gamutan sa ating mga kapatid na kapus palad, ang lahat po ay iniimbitahang sumali sa Bingo Para Sa Libreng Gamutan sa September 27, Sabado ika 2 ng hapon sa INA HOMES Covered Court sa likod lang ng simbahan.

Sa halagang P100 bawat card, good for 10 games, maaari tayong manalo ng P40,000- 1st prize, P20,000- 2nd prize , P10,000- 3rd prize at iba pang pa premyo.

Ang Bingo Cards po ay mabibili sa mga CWL tables sa paligid ng simbahan, sa mga Area Coordinators, Heads of ministries and organizations at sa parish office. Bingo na kapatid, makakatulong ka.